Thursday, January 21, 2010
Abstract
Ngayong gabi
pula ang buwan sa aking paningin
Singpula ng dugong dumadaloy sa aking ugat
na marahil ay siyang dahilan ng aking tapang
na sintapang ng mga leon sa kagubatan
na pinaghaharian ng buong puso’t katapatan
na singtapat ng kulay puti sa kalinisan
na singlinis ng bawat tao na may magagandang puso
na singganda ng mga bulaklak sa hardin
at sintibay ng taong patuloy na lumalaban
upang mabuhay ng Malaya
na singlaya ng mga ibong
lumilipad sa malalawak na bukirin
na sing lawak ng aking pangarap
na kay hirap abutin sa itaas
na singtaas ng mga bituin sa langit na madilim
na singdilim ng kapaligiran ngayong gabi
sa mundong ito
na singbilog ng buwan sa aking paningin
Maguindanao massacre
Maguindanao massacre
Parating narito ako para sa katotohanan. Laging nagsisikap makamit ang kalayaan ng bawat isang mamamayan. Tungkulin ko ring ipakita ang mga tunay na pangyayari sa reyalidad. Ipinaglalaban ko ang aking karapatan sa giyerang tila wala na yatang katapusan. Na di tulad ng mga kabalyero sa mga giyerang may malalaking sandata, tanging papel at munting panulat ang taglay na armas. Ngunit huwag kaming mamaliitin dahil sa angkin naming kapangyarihan. Kaya naming baguhin ang isipan ng bawat tao, kayak o ring palitan ang mga namumuno at kasabay nito ang pagtulong sa mga sakim sa kapangyarihan. At pagkatapos? Bye bye na.
Basta alam kong heto ako sa ilalim ng lupa, hindi makahinga dahil sa wala nang buhay. Marahil pati luha ay pinagkaitan na ng landas na tatahakin.
Bakit ganito ang sinapit ko? Ano ba ang masama sa akin? Masama ba ang katotohanang hatid ko o sadyang masakit ito sa mga buwaya’t halimaw sa ilog?
Ganito ba talaga ang bawat istorya na aking naisulat? May simula at wakas? May masama at mabuti? At kung bakit may bida at kontrabida? Basta ang alam ko, ako bilang mamamahayag ay tungkulin kong kumuha ng balita at hindi para maging balita.
Ang Bata sa 3rd floor ng Bldg. 1
Ang Bata sa 3rd floor ng Bldg. 1
“Manong bayad ho”, anim na pipisuhin ang iniabot ko at lumapat sa palad ng mamang tricycle drayber.
Malamig ang gabi at malakas ang hangin.buntong hininga. Heto na naman ako, manghang- mangha sa taglay na karikitan ng paligid. Dalawang buwan na nga pala ang nakalipas mula ng lumipat ang LCPC sa KLL. Ibang-iba talaga ang hitsura ng paligid ngayon na talaga namang makapigil hininga.Mula sa kinatatayuan ko, sa papalusong na daan, ay dinig na dinig ang ingay ng mga estudyante. Lalong nagpatingkad pa sa lugar na ito ang mga gusali na may 2-3 palapag na napipinturahan ng tropical na maga kulay –dalandan at dilaw.talagang nakabibighani.
Itago nyo na lamang ako sa pangalang Pilosopong Basyo, masakit man sa tenga ay wala akong pakialam. Kasalukuyang nasa ikaapat na taon at kumukuha ng kursong Edukasyon. Kung makakapagtapos? Hindi ako sigurado basta ang alam ko ay huli na ako sa unang klase ko.
Hinagal kabayo na ngunit patuloy parin sa pagakyat sa hagdan. May mga yabag na wari’y kasunod ko lamang ngunit walang oras para lumingon siguro isa ring late na katulad ko.
Tama! Huli na naman ako. Buti nalang ay dedma muli ako kay Sir. Tulad ng mga nagdaaang araw ay madaling lumipas ang oras at patapos na ang unang klase. Umalis si Sir ngunit tahimik pa rin kami, bkit? Dahil may pagsusulit kay Propesor Xerox, bukod sa mahilig magpaxerox, pamatay din siyang magbigay ng pagsusulit. Kaya naman nakangudngud na ang mga mukha namin sa reviewer at kulang nalang ay kainit namin ang papel.
Biglang gumalaw ang malapad kong tenga sa kadahilanang nakakarinig ako ng mga yabag na parang tumatakbo, mga tawa ng isang bata na sa tingin nasa edad 3-4 na taon at mga talbog ng bola, ang lahat ay nagmumula sa pasilyo ng palapag.Ang mga yabag niya ay nakakainis pero nakakatuwa habang ang mga tawa niya nakakawala ng konsentrasyon pero nakakaginhawa ng pakiramdam. Naisip ko, kanino kayang anak ang batang iyon? Sa isang guro kaya o baka bibit ng isa sa estudyante rito. Imposible!
Dala ng kautitaan ay sandali kong nilabas ang bata. Tama! May bata nga at patakbong pumasok sa C.R! Nang mawala ang tao sa buong pasilyo ay pumasok na rin ako sa silid aralan at itinuloy ang naantalang ginagawa. Mula sa siwang ng pinto ay inuluwa nito anyo ng kaibigan ko. Dahil nga natural na mausisa ay tinanong ko siya kung may bata sa loob ng C.R. Tanging “wala” at “baliw!” ang naintindihan kong sagot at siyempre ay kasama na roon ang masaganang laway na tumatalsik habang siya ay nagsasalita.Multo at wala ng iba pa ang naiisip ko tungkol sa bata. Totoo nga ba o guni guni ko lang?
Bukod sa nakakita ako ng multo at bagsak sa pagsusulit ni Propesor Xerox ay wala nang nangyaring interesante sa buhay ko nang gabing iyon.

That’s the Way it is
Every individual is unique
Sinisipag pumasok kung malaki ang baon
Tinatamad naman kung may report sa klase
Unwilling na mataas ng kamay sa recitation
Di kailangan na UNO kung pwede na ang tres
Yet, di rin kailangang mag-aral
Aanhin pa ang libro kung iskor ang katabi mo
Naniniwala sa kasabihang “it is better to cheat than to repeat”
Tatantanan ang crush kung naging kasintahan na
Eepal sa may syota ng iba

Twisted pervert presents…..
8 tips to a sulit pero sweet date
Buwan na naman ng mga puso, at i know na were all in the mood for love…so I decided to share my tried-and-tested tips on how to have a remarkable but cheap valentine’s date.
Hindi kailangang maging magastos o mabonnga sa pagpapaligaya ng minamahal. Aba! Mahirap kaya ang buhay ngayon. Kaya mga pare, ihanda ang sarili at itapon na ang mga baduy styles! Narito ang walong malulupet na tips at take note, discounted pa para sa mga estudyante. Astig di ba?
Tip # 1: Anti- torpe, Need ng Kadate! Yung worth it.
Siyempre! Mahirap kayang magdate mag-isa. Para kang ewan… Kaya mga torpe people diyan eh magising na kayo para totohanin ang mga pantasya nyo! Para naman sa mga Mr. Suave, Sino ba isasama mo? Si Una o si Pangalawa? At sa mga taong pinagkaitan ng karanasan sa pagibig o mga NGSB (No Girlfriend Since Birth) Hindi na uso ang mga birhen ngayon ! Gumising nga kayo. Kung wala talaga …eh di si Nanay o kaya si Lola nalang para good shot ka!
Tip # 2: Say the magic word: “would you be my valentine?”
“Haaay…..ang tamis!” ika nga ng mga chickababes. But anyway kung sigurado kana kung sino ang isaama mo eh tanungin mo na siy. Be a man, Pare! Magpakalalaki ka ka! Sige ka, baka masulot pa ng iba…Pero kung himdi talaga makapal ang mukha mo eh di try this one:
1. Humingi ka ng ¼ sheet of paper sa bestfriend mo nab laging nagbibigay ng papel sayo tuwing my test.
2. Isulat mo ang “Would you be my valentine?” sa papel at tiklupin mo. Ingat sa spelling at baka doon ka pa sumabit.
3. Ibigay mo sa target at sabihin mo “Uy, pinabibigay nga pala ng kaharap mo.” Kapag tinananong niya kung sino, walang duda na may pagkabobita ang mahal mo pero hayaan muna mahal mo naman eh.
Tip # 3: Face the Heaven or Hell, Bro!
Heaven kung “Yes, Oo at Okay “ ang sagot niya then p-roceed to Tip # 4. At kung “ No,hindi at pasensya na” ang tugon niya, Aray!Looser ka,tol! Para kang nasa Hell. Pero sabi nga nila maraming fish sa sea. Kaya try mo na mangisda sa Dagat Pasipiko at hindi lang fish ang mahuhuli mo kundi pati octopus. Goodluck sayo!
Tip # 4: Mark your Wallet Calendar
Bago ang lahat, kailangang isipin mo kung anong araw ang pambibiktima mo este date mo.Oka ang Feb. 14 dahil papatak ng linggo. Isa pa, maganda ang ambiance ng paligid – puno ng pag ibig. Kaya lagyan na ng ekis ang araw na iyon sa iyong kalendaryo.
Paalala: Sa Wallet Calendar at hindi sa kalendaryo ng bahay niyo baka kasi magtaka ang nanay mo at hindi ka payagan umalis sa araw na yon. Tepok ang date natin, tol!
Tip # 5: Choose your Paraiso
Pagkatapos ng pagtatakda ng araw, lugar naman ang isipin mo pero laging itanim sa utak na estudyante ka at wala ka pang trabaho kaya huwag kang mag ambisyon ng dinner with candlelight sa Maxx o sa kahit anong mamahaling restaurant. At dahil diyan naghanda ako ng listahan:
Robinson/SM/Fiesta Mall- lugar na nangunguna sa listahan ng mga madlang couple.
Blue Rose Park- Effective kung araw at efficient naman kung gabi.
Sinehan- Madilim daw kasi. Nakabubusog ng mga mata at nakakapagpaehersisyo pa ng mga kamay. O dib a healthy?
School(KLL)- swerte ang canteen! ‘Wag lang papahuli sa mga teacher dahil mahirap maging artista—maraming issue.
Itutuloy…………….

Subscribe to:
Posts (Atom)