Ang Bata sa 3rd floor ng Bldg. 1
“Manong bayad ho”, anim na pipisuhin ang iniabot ko at lumapat sa palad ng mamang tricycle drayber.
Malamig ang gabi at malakas ang hangin.buntong hininga. Heto na naman ako, manghang- mangha sa taglay na karikitan ng paligid. Dalawang buwan na nga pala ang nakalipas mula ng lumipat ang LCPC sa KLL. Ibang-iba talaga ang hitsura ng paligid ngayon na talaga namang makapigil hininga.Mula sa kinatatayuan ko, sa papalusong na daan, ay dinig na dinig ang ingay ng mga estudyante. Lalong nagpatingkad pa sa lugar na ito ang mga gusali na may 2-3 palapag na napipinturahan ng tropical na maga kulay –dalandan at dilaw.talagang nakabibighani.
Itago nyo na lamang ako sa pangalang Pilosopong Basyo, masakit man sa tenga ay wala akong pakialam. Kasalukuyang nasa ikaapat na taon at kumukuha ng kursong Edukasyon. Kung makakapagtapos? Hindi ako sigurado basta ang alam ko ay huli na ako sa unang klase ko.
Hinagal kabayo na ngunit patuloy parin sa pagakyat sa hagdan. May mga yabag na wari’y kasunod ko lamang ngunit walang oras para lumingon siguro isa ring late na katulad ko.
Tama! Huli na naman ako. Buti nalang ay dedma muli ako kay Sir. Tulad ng mga nagdaaang araw ay madaling lumipas ang oras at patapos na ang unang klase. Umalis si Sir ngunit tahimik pa rin kami, bkit? Dahil may pagsusulit kay Propesor Xerox, bukod sa mahilig magpaxerox, pamatay din siyang magbigay ng pagsusulit. Kaya naman nakangudngud na ang mga mukha namin sa reviewer at kulang nalang ay kainit namin ang papel.
Biglang gumalaw ang malapad kong tenga sa kadahilanang nakakarinig ako ng mga yabag na parang tumatakbo, mga tawa ng isang bata na sa tingin nasa edad 3-4 na taon at mga talbog ng bola, ang lahat ay nagmumula sa pasilyo ng palapag.Ang mga yabag niya ay nakakainis pero nakakatuwa habang ang mga tawa niya nakakawala ng konsentrasyon pero nakakaginhawa ng pakiramdam. Naisip ko, kanino kayang anak ang batang iyon? Sa isang guro kaya o baka bibit ng isa sa estudyante rito. Imposible!
Dala ng kautitaan ay sandali kong nilabas ang bata. Tama! May bata nga at patakbong pumasok sa C.R! Nang mawala ang tao sa buong pasilyo ay pumasok na rin ako sa silid aralan at itinuloy ang naantalang ginagawa. Mula sa siwang ng pinto ay inuluwa nito anyo ng kaibigan ko. Dahil nga natural na mausisa ay tinanong ko siya kung may bata sa loob ng C.R. Tanging “wala” at “baliw!” ang naintindihan kong sagot at siyempre ay kasama na roon ang masaganang laway na tumatalsik habang siya ay nagsasalita.Multo at wala ng iba pa ang naiisip ko tungkol sa bata. Totoo nga ba o guni guni ko lang?
Bukod sa nakakita ako ng multo at bagsak sa pagsusulit ni Propesor Xerox ay wala nang nangyaring interesante sa buhay ko nang gabing iyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment