About Me

My photo
tao ako at marunong masaktan, ganun din ang manakit.

Thursday, January 21, 2010

Maguindanao massacre


Maguindanao massacre


Parating narito ako para sa katotohanan. Laging nagsisikap makamit ang kalayaan ng bawat isang mamamayan. Tungkulin ko ring ipakita ang mga tunay na pangyayari sa reyalidad. Ipinaglalaban ko ang aking karapatan sa giyerang tila wala na yatang katapusan. Na di tulad ng mga kabalyero sa mga giyerang may malalaking sandata, tanging papel at munting panulat ang taglay na armas. Ngunit huwag kaming mamaliitin dahil sa angkin naming kapangyarihan. Kaya naming baguhin ang isipan ng bawat tao, kayak o ring palitan ang mga namumuno at kasabay nito ang pagtulong sa mga sakim sa kapangyarihan. At pagkatapos? Bye bye na.

Basta alam kong heto ako sa ilalim ng lupa, hindi makahinga dahil sa wala nang buhay. Marahil pati luha ay pinagkaitan na ng landas na tatahakin.

Bakit ganito ang sinapit ko? Ano ba ang masama sa akin? Masama ba ang katotohanang hatid ko o sadyang masakit ito sa mga buwaya’t halimaw sa ilog?

Ganito ba talaga ang bawat istorya na aking naisulat? May simula at wakas? May masama at mabuti? At kung bakit may bida at kontrabida? Basta ang alam ko, ako bilang mamamahayag ay tungkulin kong kumuha ng balita at hindi para maging balita.

No comments:

Post a Comment